Ano Laman ng Bag Mo?

PERSUASIVE SPEECH

Gabriel Rugas

1/1/20183 min read

Una sa lahat bago ko tuluyang simulan ang aking talumpati gusto ko muna malaman kung sino-sino dito ang nagkaroon na ng masaya o nakakagalak na karanasan na dulot ng isang desisyon na ginawa ninyo. Ngayon gusto ko naman malaman kung sino-sino sa inyo ang nagkaroon na ng masama o nakakahiyang karansan dahil sa isang desisyon na ginawa ninyo. Sigurado naman ako na alam nating lahat kung ano ang desisiyon, pero alam nga ba ng bawat isa sa inyo ang tunay na bigat ng mga ito, dahil kung tatanungin niyo ako kung ano ang pinakamahirap na bagay na kailangan gawin ng isang tao. Hindi ko na kakailanganin ng limag segundo agad-agad kong isasagot sa inyo ang paggawa ng desisyon. Bakit? Dahil hindi masasabi kung ano ang magiging epekto o resulta ng isang aksyon na bibinitawan natin. Yang susunod na hakbang mo baka yan na pala ang magsisimula ng pinaka importanteng pangyayari sa buhay mo o kayan naman yan na pala ang magiging sanhi ng pagkasira ng mundo mo.

Nakatatak sa mga isip natin na nahahati ang mga desisyon sa dalawang klase o dalawang lebel. Una ay ang mga tinatawag natin simpleng desisyon, dito nakapailalim ang mga bagay tulad ng pag bili ng pagkain sa recess, pagkopya ng notes tuwing may discussion, pagpasa ng mga requirements pati narin ang pagpapagupit tuwing kailangan. Pangalawa naman ay ang mga tinatawag nating mabibigat na desisyon, dito naman nakapailalim ang mga bagay tulad ng pagbili ng bahay, pagbuo ng pamilya at pagpili ng kurso para sa kolehiyo. Ganitong klaseng sistema na ang nakasanayan nating mga Pilipino, pero sa totoo lang hindi ako sumasangayon sa ganitong klaseng kaisipan dahil hindi ako naniniwala na pwede mong tawaging simple ang isang desisyon, dahil hindi lang naman ikaw ang naaapektuhan ng mga ginagawa mo, konektado ang bawat aksyon mo sa mga taong nakapaligid sa iyo.

Bibigyan ko kayo ng halimbawa, kinokonsidera natin ang pagdadala ng bag araw-araw sa eskwelahan bilang isang karaniwan na gawain, isang maliit na elemento na parte ng araw natin. Pero kapag sinabi ko sa inyo na hindi lang ganito ka simple ang konsepto na ito maniniwala ba kayo. Kapag tinanong ko kayo kung ano nilalaman nang bag niyo malamang ang isasagot niyo sa akin ay kwaderno, panulat, papel at aklat, dahil sa unang tingin ito nga talaga ang nilalaman ng mga bag natin. Alam ko medyo nalilito na kayo sa mga pinagsasabi ko pero kapag natanggal niyo na yang mga humahaarang sa paningin niyo maiintindihan niyo na ang konseptong ito, dahil kung ako ang tatanungin niyo hindi lang kwaderno, panulat, papel at aklat ang nilalaman ng bag ko. Nandyan din ang tiwala na ipinagkaloob ng mga magulang ko sa akin, tiwala na hindi ko sasayangin ang mga sakripisyo nila sa akin , tiwala na balang araw maabot ko ang mga bituwin na tinadhana para sa akin, tiwala na gaano ma kabigat pasan pasan parin ng likod ko araw-araw dahil alam ko ang halaga ng bawat desisyon na isinasagawa ko.

Kailangan natin itatak sa mga isipan natin na ang mga desisyon na ginagawa natin ang magpapasya o magtatakda ng direksyon natin sa buhay. Tandaan hindi natin mahuhulaan o malalaman ang mga nilalaman ng kinabukasan, kaya naman hindi tayo pwedeng maging bulagsak sa paggagawa ng mga desisyon dahil malay natin baka yang susunod na desisyon mo na pala ang magdidikta kung may mararating ka ba sa buhay mo o wala .

Ganyan kabigat ang bawat desisyon na binibitawan natin, ganyan kabigat ang mga kondisyon na hinaharap natin. Pero kahit ganyan kalaki ang pader na humaharang sa atin hindi parin tayo dapat tumigil sa paggawa ng mga desisyon dahil hindi naman mawawala ang mga tinatawag nating endless possibilities, hindi naman natin masasabi, baka balang araw iyang mga katabi niyo, dahil sa isang desisyon na ginawa nila, iyan na pala ang mga susunod na hollywood actors, professional athletes, politicians o kaya naman baka balang araw isa dyan ang magiging susunod na presidente ng Pilipinas. Pero syempre nandyan din ang posibilidad na balang iyang katabi niyo baka isa na iyang kriminal na nakakulong nalamang sa presinto. Kaya pakiusap lang pagisipan niyo ng mabuti ang bawat desisyon niyo, dahil hindi natin masasabi baka iyang susunod na hakbang niyo na ang magdidikta kung magiging pabigat ka lamang sa bansa o kung kasama ka sa mga tinatawag nilang pag-asa.